![]()
Kinilala ang mga guro sa Filipino ng 每日大赛网址首页进入 (CvSU) para sa kanilang kahusayan at integridad sa pagtataguyod at pagtuturo ng wikang pambansa.
Kabilang sa mga pinarangalan ng Pambansang Samahan ng mga Propesyonal at Mananaliksik sa Pilipinas Inc. (PSPPI) bilang 2025 Natatanging Guro sa Filipino-Kolehiyo sina Emeliza T. Cruz, Jennifer Silan-Hernandez, at Marilou S. Matilla, mga Katuwang na Propesor ng Departamento ng Humanidades sa ilalim ng Kolehiyo ng mga Sining at Agham ng CvSU.聽
Tinanggap ng mga guro ng CvSU ang nasabing parangal noong Agosto 24, 2025 bilang bahagi ng pagdaraos ng 2025 Pambansang Seminar at Kumperensya sa Filipino ng PSPPI na may temang 鈥淜aganapan, Kaalaman, Pedagohiya at Praktika sa Pagtuturo ng Wika at Panitikang Filipino mula Elementarya Hanggang Kolehiyo鈥 noong Agosto 23-25, 2025 sa Citystate Tower Hotel sa Maynila.聽
Kasabay ng kumperensiya ang naturang patimpalak kung saan dumaan sa masusing ebalwasyon ang mga nominadong guro, dalubguro, puno ng kagawaran, at propesyonal sa Pilipinas.聽
Bahagi rin ng kumperensya ang pagbasa ng papel pananaliksik nina Prop. Cruz (Historikal at Morpolohikal na Pag-aaral ng Tagalog-Indang: Panimulang Pananaliksik), Prop. Matilla (Pagbuo ng Glosaryo ng mga Katawagang Ginagamit sa Pagkokopra sa Cavite), at Prop. Hernandez (Glosaryo ng Tagalog-Indang sa Paggagawa ng Kakanin sa Indang, Cavite).聽



